DIPOLOG CITY – Hiling ng pamilya ni Superintendent Santiago Ylanan Rapiz na maimbestigahan ang pagkamatay nito. Napatay si Rapiz sa isinagawang buy-bust operation sa Dipolog City, Lunes ng gabi. Nanlaban umano si Rapiz kaya napilitan gumanti ng putok ang awtoridad, na nagresulta sa agad nitong pagkamatay, ayon sa Philippine National Police Counter Intelligence Task Force. Pulis na ‘protektor’ umano ng drug lord patay sa buy-bust sa Dipolog Ayon sa maybahay ni Rapiz na si Michelle, pawang kasinungalingan ang mga paratang ng Philippine National Police sa kaniyang asawa. Hindi umano kapani-paniwala na may nangyaring buy-bust dahil kakatapos lang mag-basketball ng kaniyang asawa at wala itong pang-itaas na damit. Hindi rin umano kapani-paniwala na isang colonel pa ang magbebenta ng shabu. Dagdag pa ni Michelle, mas mahirap paniwalaan na protektor ng ng mga drug lord si Rapiz dahil respetado ito at maraming awards nang nakuha na may kinalaman sa kampanya laban sa ilegal na droga. Sa katunayan, mismong ang New People’s Army sa Negros ang nagpahayag na isang mabuting tao si Rapiz at hindi siya sangkot sa ilegal na droga. Duda ng pamilya, pinlano talagang patayin si Rapiz dahil sa tinik ito sa lalamunan ng mga opisyal na sangkot sa ilegal na droga. Sinagot din ng pamilya ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang “narco cop” si Rapiz. Ayon kay Michelle, maaaring ang tinutukoy ng presidente ay ang dating pulis sa Panay na si SPO1 Santiago Odicta Rapiz at hindi ang kaniyang asawa. Nanawagan ang pamilya sa presidente at sa mga… [Read full story]
Leave a Reply