MANILA -- Humingi ng paumanhin ang aktor na si Daniel Matsunaga sa nangyaring aksidente nitong Linggo kung saan nabundol ng kanyang sasakyan ang isang motorcycle rider sa Commonwealth Avenue, Quezon City. Sa official statement na inilabas ni Matsunaga, sinabi rin ng aktor na maayos na ang kalagayan ng rider. Narito ang opisyal na pahayag ni Matsunaga: "Unfortunately, I got into an accident with a motorcycle on Sunday morning, August 19. The rider was brought to the hospital to ensure all was taken care of. Thankfully, he was not seriously harmed and only sustained minor bruises. "In the same morning, after his check up, he was able to meet me and his family at the police station. We settled upon an agreement that I will take care of all his needs caused by this inconvenience. "Personally, I am still shaken by the incident because of the thought of hurting someone and bringing this upon any family. I’m very grateful to all the police and MMDA officers who extended ... » Learn More about News Daniel Matsunaga, nag-sorry matapos masangkot sa aksidente
Aksidente kahulugan
News 21 sugatan sa aksidente sa Lucena
LUCENA CITY - Sugatan ang 21 pasahero, kabilang na ang driver, sa salpukan ng dalawang bus sa Lucena City Lunes ng madaling araw. Nabasag ang wind shield at nagkasira-sira ang unahang bahagi ng Amihan bus nang sumalpok sa nakaparadang Philtranco bus sa Maharlika Highway sa Lucena City. Bago ang pagsalpok, nauna nang naaksidente sa kabilang bahagi ng kalsada ang isa pang bus na biyaheng Bicol region matapos bumangga sa mga concrete barrier. Tumigil ang nakaparadang bus para tulungan ang naunang naaksidenteng bus pero hindi ito napansin ng paparating na isa pang bus. "Nagkaroon tayo ng injuries sa mga pasahero ng Amihan bus kung saan 20 ang nagkaroon ng minor injuries. Sa vehicle 2, itong Philtranco na nakaparada sa right shoulder, 'yung driver po nagkaroon din ng minor injuries," ayon kay Police Superintendent Romulo Albacea, hepe ng Lucena City police. Agad namang dinala sa malapit na ospital ang mga nasaktan at kaagad ding pinauwi matapos lapatan ng lunas. Ayon sa pulisya, ... » Learn More about News 21 sugatan sa aksidente sa Lucena
News Driver, sugatan sa aksidente sa Marikina
MAYNILA - Sugatan ang isang lalaki matapos sumalpok ang kaniyang minamanehong kotse sa concrete lane separator at poste sa Marikina City, Sabado ng madaling araw. Ayon sa Marikina City Police, bumangga ang isang pulang Honda Civic na wala pang plaka sa lane separator at poste bago umakyat ng Barangka flyover na naghihiwalay sa mga motoristang babagtas ng Marcos Highway. Nagliyab pa ang unahang bahagi o engine bay ng kotse pero agad namang naapula ang apoy. Halos yumakap na ang unahang bahagi ng kotse sa poste. Nasugatan sa ulo ang driver na kinilalang si Jelo Abarquez at agad na isinugod sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center. Patuloy pa ang imbestigasyon ng Marikina traffic police sa aksidente. Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. ... » Learn More about News Driver, sugatan sa aksidente sa Marikina
News 3 patay sa aksidente sa Albay
DARAGA, Albay - Tatlo katao ang kumpirmadong nasawi sa aksidente sa Busay sa nasabing bayan, Biyernes ng umaga. Wala pang pagkakakilanlan sa mga nasawi. Ayon sa inisyal na ulat, nawalan ng preno ang isang dump truck at inararo nito ang 12 iba pang sasakyan sa kahabaan ng Maharlika Highway. May kargang mga bato ang dump truck na galing ng bayan ng Camalig at patungong sentro ng Daraga. Tinatayang nasa 10 naman ang nasugatan din sa aksidenteng naganap pasado alas-9 ng umaga. Nagdulot ng pagbigat sa daloy ng trapiko ang aksidente. Hanggang ngayon ay hindi pa rin madaanan ang Maharlika Highway. Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad hinggil sa aksidente. Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. ... » Learn More about News 3 patay sa aksidente sa Albay
Driver, sugatan sa aksidente sa QC
MAYNILA - Sugatan ang isang driver sa salpukan ng 2 sasakyan sa intersection ng Samar Street at GMA Network Drive sa Quezon City, Sabado ng umaga. Nagtamo ng sugat sa tuhod at iniinda ang sakit sa kanan dibdib ng Grab driver na kinilalang si Samuel Dela Masa, 52 anyos. Kuwento ng driver ng Toyota Tamaraw FX na si Armando Montilla, 59, ide-deliver niya sana sa Caloocan at Marikina ang kargada niyang langka. Binabagtas niya ang GMA Network Drive patungong EDSA habang sa Samar Street naman nanggaling ang pulang kotse. Mabilis umano ang takbo ng pulang kotse at sinubukan pa niyang umiwas pero tinumbok pa rin siya. Masakit ang mga tuhod ni Montilla dahil sa nangyaring aksidente. Depensa naman ni Dela Masa na hindi umano niya napansin ang Tamaraw Fx. Sa lakas ng pagkakabangga ay nayupi na parang lata ang unahang bahagi ng pulang sasakyan habang nayupi naman ang gilid ng FX. Hindi naman gumana ang airbag ng pulang kotse kaya’t tumama ang dibdib ni Dela Masa sa manibela. Patuloy ang ... » Learn More about Driver, sugatan sa aksidente sa QC
Grab driver sugatan sa aksidente sa QC
MAYNILA - Sugatan ang isang driver sa salpukan ng 2 sasakyan sa intersection ng Samar Street at GMA Network Drive sa Quezon City, Sabado ng umaga. Nagtamo ng sugat sa tuhod at iniinda ang sakit sa kanan dibdib ng Grab driver na kinilalang si Samuel Dela Masa, 52 anyos. Kuwento ng driver ng Toyota Tamaraw FX na si Armando Montilla, 59, ide-deliver niya sana sa Caloocan at Marikina ang kargada niyang langka. Binabagtas niya ang GMA Network Drive patungong EDSA habang sa Samar Street naman nanggaling ang pulang kotse. Mabilis umano ang takbo ng pulang kotse at sinubukan pa niyang umiwas pero tinumbok pa rin siya. Masakit ang mga tuhod ni Montilla dahil sa nangyaring aksidente. Depensa naman ni Dela Masa na hindi umano niya napansin ang Tamaraw Fx. Sa lakas ng pagkakabangga ay nayupi na parang lata ang unahang bahagi ng pulang sasakyan habang nayupi naman ang gilid ng FX. Hindi naman gumana ang airbag ng pulang kotse kaya’t tumama ang dibdib ni Dela Masa sa manibela. Patuloy ang ... » Learn More about Grab driver sugatan sa aksidente sa QC
News 2 patay, 4 sugatan sa aksidente sa Cebu
Dead on the spot sina Eje Rose Halipa at Mary Grace Tali. Isinugod naman sa pagamutan sina Wellaflor Mollena, Evangeline Davidon, Sherry Mae Moreno at driver ng tricycle na si Michael Francisco. Papasok sana sa trabaho ang limang sakay ng tricycle nang bigla itong mabundol ng nakasalubong na nag-overtake na mini bus na papunta sanang Cebu City, alas-5 ng umaga. Sa lakas ng pagkabundol, tumilapon ang dalawang pasahero ng tricycle at nasagasaan pa ang mga ito ng isa pang kasunod na mini bus. Ayon sa imbestigasyon ng Compostela Traffic Commission, mabilis ang takbo ng unang mini bus. Nayupi rin ang harapang bahagi mg mini bus at ng tricycle. Nakakulong na ngayon ang nagmamaneho ng dalawang mini bus habang ihinahanda ang kasong reckless imprudence resulting in homicide laban sa kanila Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. ... » Learn More about News 2 patay, 4 sugatan sa aksidente sa Cebu
News 4 sugatan sa aksidente sa Davao
DAVAO CITY – Basag ang windshield at wasak ang harapang bahagi ng isang 6-wheeler truck matapos na mabangga sa sinusundang truck sa Buhanging Diversion Road, Martes ng hapon. Naipit ang driver na si Mark Joseph Payot at nagtamo naman ng minor injuries ang tatlo niyang pasahero. Ayon sa isang sakay ng truck na si Joey Feliciano, bigla umanong nag-preno ang sinusundan nilang truck at hindi agad kumagat ang brake ng kanilang sasakyan kaya nabangga sila. Base naman sa imbestigasyon ng Traffic Police, mabilis ang patakbo ng sasakyan kaya nahirapan itong mag-preno at naging malakas ang impact. Papunta sana ng Sasa ang truck para mag-deliver ng kargang saging. Paalala ng awtoridad sa mga motorista na magdahan-dahan lang sa pagmamaneho lalo na sa mga kargadong truck at panatilihin ang distansya sa sinusundang sasakyan. Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. ... » Learn More about News 4 sugatan sa aksidente sa Davao
1 sugatan sa aksidente sa NLEX
MANILA - Sugatan ang isang lalaki matapos sumalpok ang minamanehong pick up sa isang concrete barrier sa Quirino Highway sa tabi ng North Luzon Expressway sa Balintawak, Biyernes. Ayon sa driver na si alyas Jason, galing siyang Quezon City at papunta sa Bulacan para sa trabaho nang sumalpok ang kaniyang pulang sasakyan sa concrete barrier. Sa lakas ng pagkakatama ay tumihaya ang sasakyan at nagtamo ng mga sugat sa braso ang driver na agad naman nalapatan ng paunang lunas. Depensa ni Jason, wala umanong reflector ang barrier kaya hindi niya napansin ito. Hindi naman niya sinagot kung siya ba ay nakatulog o inaantok nang bumangga sa barrier. Alas-7:30 ng umaga nang naialis sa kalsada ang saaakyan at naging passable mula sa mga motorista ang kalsada, pero nagdulot ito ng pagsikip sa daloy ng trapiko sa lugar. Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. ... » Learn More about 1 sugatan sa aksidente sa NLEX
Jeep at pickup nagsalpukan sa QC, isa sugatan
MANILA - Isa ang sugatan sa salpukan ng jeep at pickup truck sa Brgy. Sto. Domingo, Quezon City madaling araw ng Linggo. Kinilala ang nasugatan na si Benito Aguba, 60 anyos na pahinante ng jeep na magde-deliver sana ng saging galing probinsya ng Quezon tungo sa Balintawak. Sa kuha ng CCTV, makikitang binabagtas ng pick up ang Biak na Bato Street, nang makasalpukan ang jeep na binabagtas naman ang Cuenco Street. Pero iginiit ng driver ng jeep na si Crispin Donatos na siya ang nasa Biak na Bato Street nang biglang salpukin ng pick up. Tumangging magbigay ng anumang pahayag ang driver ng pick up na kinilala bilang si Archimedes Aguilar, 24 anyos. Nasa East Avenue Medical Center si Aguba na nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan matapos maipit sa tumagilid na jeep ng halos isang oras. Patuloy ang imbestigasyon ukol sa aksidente, ngunit ayon sa QC Traffic Sector 1, base sa nakita sa CCTV dapat parehas na nagmenor ang jeep at pick up lalo pa't intersection ang dinaanan nila. Bisitahin ang ... » Learn More about Jeep at pickup nagsalpukan sa QC, isa sugatan