ZAMBOANGA CITY—Tiklo ang isang 50-anyos na babae sa drug entrapment operation na ikinasa sa loob ng isang fast food chain sa Climaco Street sa lungsod na ito, Huwebes ng umaga. Nakuha mula sa babae ang isang pakete ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na 50 grams at street value na P340,000. Itinanggi naman ng suspek na sa kaniya ang pakete ng droga. Aniya, isang babae ang nag-iwan sa kaniya nito. Pero ayon sa awtoridad, ang entrapment ay resulta ng naunang buy-bust na isinagawa ng parehong mga operatiba na nagdala sa kanila sa babaeng suspek sa fast food chain. Dagdag pa ng awtoridad, maging ang mga fast food restaurant ay ginagawang lugar na rin para sa ilegal na transaksiyon sa droga. Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. … [Read more...] about News Babae, tiklo sa drug entrapment operation sa Zamboanga City
Entrapment operation
News Lalaking nagbebenta ng myna, huli sa entrapment
BACOLOD CITY – Arestado sa entrapment operation ang isang lalaking nagbebenta ng Myna sa lungsod na ito. Isang threatened species ang myna o ang Gracula religiosa, ayon kay Joan Gerangay, City Environment and Natural Resources Officer (CENRO) ng Bago City. Nagkasa ng entrapment operation ang CENRO matapos makatanggap ng tip na may nagbebenta ng nasabing ibon sa Barangay Mandalagan. Ibinebenta umano ng suspek ang ibon sa halagang P4,000. Nagbabala si Gerangaya na ang mga mahuhuling nagbebenta ng mga hayop na itinuturing na threatened ay posibleng makulong at pagmultahin. Nahaharap sa kasong paglabag sa Wildlife Act ang nahuling suspek. Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. … [Read more...] about News Lalaking nagbebenta ng myna, huli sa entrapment
News Pekeng abogado, timbog matapos ipa-entrap ng ‘kliyente’
Timbog sa isang entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang babaeng nagpanggap na abogado at humawak pa ng isang annulment case. Kinilala ang suspek na si Vicky Delos Reyes, na inireklamo ni alyas "Emil." Ayon kay Emil, lumapit siya sa suspek para pahawakan dito ang annulment case ng kaniyang tiyahin pero agad siyang nagduda sa pangako ng pekeng abogado. “Sinabi niya maximum of 4 months or less kaya niya tapusin ang nullity ng marriage ng tita ko, so sabi ko parang ang bilis,” aniya. Sa entrapment operation, ang poseur client ay nagbayad ng P40,000 kay Delos Reyes, na inaresto agad matapos tanggapin ang pera. Sa kaniyang "law firm" ay nadiskubre rin ang mga pekeng ID ng suspek. Nalamang nahuli na dati ang suspek sa isa pang entrapment operation matapos ding magkunwaring abogado. Ikinulong na ang babae at nahaharap sa mga kasong estafa at falsification of public documents. Payo ng NBI, maaaring i-check ang listahan … [Read more...] about News Pekeng abogado, timbog matapos ipa-entrap ng ‘kliyente’
News 2 lalaking nagbebenta ng nakaw na motorsiklo, patay sa entrapment operation
BATANGAS—Patay ang 2 lalaki na umano'y nagbebenta ng ninakaw na motorsiklo sa entrapment operation sa bayan ng Balayan Huwebes ng madaling-araw. Kinilala ang isa sa mga suspek na si Christopher Macalalad habang inaalam pa ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng isa. Nakuha sa kanila ang mga tissue paper na may lamang hinihinalang shabu. Ikinasa ng Highway Patrol Group (HPG) at Balayan police ang operasyon sa Barangay Lanatan alas-2 ng madaling-araw. Base ito sa intelligence monitoring ng pulisya matapos umanong mag-alok ang mga suspek ng motorsiklong walang dokumento, tampered ang engine number, at ibinebenta sa murang halaga. Ayon kay Senior Insp. Jet Sayno ng HPG-Batangas, nagpaputok umano ng baril ang mga suspek kaya nauwi sa engkuwentro ang operasyon bago magkaabutan ng bayad. Dati na ring nakulong si Macalalad sa kasong pagnanakaw at ilegal na droga. — Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. … [Read more...] about News 2 lalaking nagbebenta ng nakaw na motorsiklo, patay sa entrapment operation
News 5 suspects linked to ‘rent-tangay’ operation arrested in Cavite
Watch more in iWantv or TFC.tv MANILA—The Philippine National Police-Highway Patrol Group in Cavite arrested 5 suspects believed to be members of a "rent-tangay" operation, or selling of stolen rented vehicles. Police identified the suspects as Louie John Sanglap Lozano, Joebert Acosta Burce, Johnrey Avance, Jesus Cordero Hernan and Jeffrey Pineda Soria. In an entrapment operation, a poseur buyer began transacting with the suspects. When HPG Cavite operatives were certain the suspects brought the stolen SUV, they immediately arrested the alleged agent and spotter of the rent-tangay group in Imus, Cavite. A stolen SUV was retrieved by the PNP-HPG at a gasoline station nearby. The victim, Randy Pineda, is a car rental owner who sought the help of police when somebody rented his Toyota Fortuner on July 14. The amount of P10,000 was paid for two days' rental. Pineda said the renter showed an ID for an airline company and a passport. … [Read more...] about News 5 suspects linked to ‘rent-tangay’ operation arrested in Cavite